[by Athena Yap]

Suportadong suportado ni Jake Cuenca ang trending love scene nina Marco Gumabao at Kylie Versoza. Si Kylie at Jake ay tunay na magdyowa sa totoong buhay.
Ayon kay Gumabao, lumapit siya mismo kay Jake bilang kaibigan at nagpaalam sa mainit na eksenang magaganap sa kanilang palabas na “My Husband, My Lover”
“Nagpaalam ako kay Jake. As you all know, kapatid ko si Jake sa Los Bastardos. And even after Los Bastardos, kapatid ko pa rin siya off cam. Minsan lumalabas kami ni Jake with Kylie, ako yung laging third wheel nila.” sabi ni Gumabao.
Pero ang mabuting tugon naman sa kaniya ng kaibigan ay “Bro, you have my blessing. Galingan niyo.”
Masayang ibinahagi naman ni Kylie na very understanding at supportive ang boyfriend niya na si Jake. #DM
0 comments on “JAKE CUENCA PINAYUHAN SI MARCO GUMABAO GALINGAN SA LOVE SCENE WITH KYLIE VERSOZA”