DPWH nagtayo ng “flood control structure” sa Lebak, Sultan Kudarat

Read Time:1 Minute, 11 Second

(by RASHID RH. BAJO)

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Photo credit to DPWH Region 12 FB

SULTAN KUDARAT, Philippines — Hindi na gaanong magiging problema ng mga residente na nakatira malapit sa “Salaman River” sa barangay Salaman sa bayan ng Lebak sa probinsya ng Sultan Kudarat ang baha.

Bakit? Ito ay dahil sa ginawang “flood control structure” na proyekto ipinarupad ng Sultan Kudarat 2nd District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) doon.

Ayon sa pinosteng larawan (na may nakasulat na ilang mga detalye tungkol sa nasabing proyekto) ng DPWH Region 12 sa opisyal na FB account nito, ang paggawa ng nasabing istraktora ay sinimulan noong November 16, 2020 at natapos ito noong June 30, 2021.

Ang nasabing flood control structure ay may haba na “600 lineal meters,” ayon sa detalye na nakasulat sa pinosteng larawan, kung saan makikita ang kahabaan ng Salaman River.

Ang layunin ng nasabing proyekto ay protektahan ang mga buhay, mga propredad (properties), mga alagang hayop, mga pananim at mga lupain ng mga residente laban sa tubig-baha pag panahon ng (malakas at patuloy) na tag-ulan na nagrereaulta sa pag-apaw ng mga tubig sa nasabing malaking sapa doon.

Ayon sa report, ang nasabing flood protection wall na proyekto ay nagkakahalaga ng P46.4-Milyones na pinondohan sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act (or GAA).

Ang pag-implement ng nasabing proyekto ay bahagi ng “BuildBuildBuild” na programa ng gobyerno na ipinapatupad ng DPWH.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post “Kalayaan sa Covid plan” ni VP Leni Robredo, ibinahagi
Next post GCash strengthens commitment to employee excellence and leadership development through G Nation – For The Nation

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: