COVID-19 PH NATIONAL NEWS PULITIKA

“Kalayaan sa Covid plan” ni VP Leni Robredo, ibinahagi

Naglabas ng COVID-19 pandemic response plan si Bise Presidente Maria Leonor "Leni" Robredo na ipinoste sa kanyang opisyal na Facebook page.

image: screenshot from the official website of VP Leni Robredo (lenirobredo.com)

Naglabas ng COVID-19 pandemic response plan si Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo na ipinoste sa kanyang opisyal na Facebook page.

“Ito ang ating Kalayaan sa Covid plan. Marami dito, matagal na nating iminungkahi at nagpatakbo na tayo ng mga programa. Panahon na para maipatupad ang mga ito nang malawakan para higit nating mabawasan ang pagdurusa at pagluluksa”, saad ni Robredo sa kanyang Kalayaan sa Covid plan video campaign.

Aniya, ang plano o hakbangin na ito ay base rin sa konsultasyon sa mga eksperto at iba’t ibang sektor kung saan ay inaasahan na mapagtatagumpayan ito ng bawat Pilipino.

“Para mas mapabilis ang ating tuluyang paglaya sa COVID, ang kailangan: Klaro, malawakan, strategic, at mapagpalayang tugon,” ani Robredo.

Ang naturang planong ito ay nahahati sa tatlong bahagi: Kalayaan sa Pangambang Magkasakit (Freedom from Fear of Illness), Kalayaan sa Gutom (Freedom from Hunger), at Kalayaan sa kakulangan sa edukasyon (Freedom from Ignorance).

Ang unang bahagi ay naglalayong bawasan ang bilang ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases for swifter action.

Palalawigin din nito ang mga benepisyo para sa mga health worker. Ang iba pang mga detalye patungkol sa pagsusulong ng kampanyang ito ay maaari ring matamo sa opisyal na website na lenirobredo.com kung saan, “Lahat ng benepisyong nakasaad sa Magna Carta for Health Workers, kabilang na ang hazard pay, ay agarang makakarating sa healthcare professionals. Gagamitin ang lakas ng ehekutibo para palawakin pa ang mga benepisyong ito– kabilang na ang libre at regular na COVID testing; bayad na COVID sick leave bukod pa sa sick leave; medical insurance; at allowance para sa pagkain at transportasyon.”

Sa huling bahagi ng naturang video, binigyang-diin ni Robredo na, “Kailangan na nating tuluyang makalaya. Para tayo’y makahinga muli.” 

Panoorin ang buong bahagi ng video sa link na ito:

https://fb.watch/93gkbH-hxx/

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on ““Kalayaan sa Covid plan” ni VP Leni Robredo, ibinahagi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: