[by Athena Yap]

Masayang ibinahagi ng Twilight artist na si Kristen Stewart sa “The Howard Stern Show” na siya ay finally engaged na sa kaniyang girlfriend na si Dylan Meyer.
Nais ni Stewart ganapin ang kanilang kasal sa sa Los Angeles na hometown ni Dylan.
Dalawang taon na ang kanilang relasyon at ngayon nga ay magsisimula na sila ulit ng bagong yugto sa kanilang pagsasama.
Palakpakan naman ang mga fan at bumuhos din ang congratulatory messages sa kanilang dalawa mula sa mga kaibigan.
Nakilala si Stewart noong 2008 sa pelikulang Twilight kung saan kasama niyang bumida ang ex-boyfriend na si Robert Pattinson. #DM
0 comments on “Twilight star Kristen Steward, engaged na!”