
Inihayag ng Malacañang ngayong araw, Biyernes [Nobyembre 5] na ang last-minute sa pag-aanunsyo ng pagluluwag ng COVID-19 restrictions sa Metro Manila ay hindi dahilan upang magtaas pang muli ng alert level habang pinapayagan ng bumalik ang mga manggagawa sa kani-kanilang mga trabaho.
“Mahirap [na magasabi ng biglaan] kung magtataas ng Alert Level kasi malilimitahan ang pagbukas [ng mga negosyo]. Pero kung reverse, kagaya nito, wala pong mawawala kahit mabilisan ang ginawa ng IATF kasi matagal na itong hinihintay para magkaroon ng hanapbuhay,” pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Aniya, nararapat lamang na maipabatid sa mga negosyo na ang pagluluwag sa Metro Manila ay makatarungan mula sa Alert Level 3 patungong Alert Level 2.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aniya, ang pagbababa sa naturang alert level sa NCR ay ipinatupad matapos na makapagtala ang mga otoridad ng mas mababang naitatalang kaso ng COVID-19 sa naturang rehiyon sa nakalipas na dalawang linggo.
“The previous Alert Level 3 [supposed to be in effect until November 14] did not respond to what happened from October 15th to 30th. NCR has been under Alert Level 3 for the last two weeks, and so we decided to deescalate it,” Ani Vergeire.
Mananatili ang Alert Level 2 sa NCR hanggang Nobyember 21, 2021.
Patuloy na pinaalalahanan ang publiko na huwag magpakapante sa pagluluwag habang nagpapatuloy pa rin ang pandemya sa bansa. #DM
0 comments on “Alert Level sa NCR, ibinaba na sa ikalawang alerto – Palasyo”