
Inanunsyo ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes [Nobyembre 8, 2021] na hindi na mandatory ang paggamit ng face shield sa naturang siyudad maliban sa mga ospital, mga klinika, at iba pang medical facilities sa Maynila.
Nilagdaan ni Domagoso ang Executive No. 42 base na rin sa nakaraang desisyon ng Inter-Agency Task Force for Managing Emerging Infectious Diseases (IATF-MED) na ibinaba ang alert level status sa National Capital Region sa Level 2.
Binigyang-diin ni Domagoso na ang Pilipinas lamang ang bukod tanging nagpapatupad ng paggamit ng face shields sa pampublikong lugar habang patuloy pa rin naman ang paggamit ng facemasks ng lahat.
Nanawagan din ang Alkalde na pakinggan ang kanyang panawagan sa nasyunal na pamahalaan na makabili ng mga gamot kontra COVID-19, partikular ang Tocilizumab at Remdesivir na may malaking gampanin sa pagpapagaling sa mga nagpostibo sa naturang virus. #DM
0 comments on “Paggamit ng Face shield, hindi na mandatory sa Maynila”