Entertainment Showbiz

MARCO GUMABAO BASTOS? IVANA ALAWI MAS BET SI JOSHUA GARCIA

Iba para sa mga fan ang naging dating ni Ivana Alawi nang sagutin ang “collab or pass” sa pangalan nina Joshua Garcia at Marco Gumabao.

[by Athena Yap]

Iba para sa mga fan ang naging dating ni Ivana Alawi nang sagutin ang “collab or pass” sa pangalan nina Joshua Garcia at Marco Gumabao.

Kung mapapanood ang huling vlog ng sexy actress, trip nila ngayon ng kanyang kapatid pumili sa mga influencer/artista kung sino ang posibleng maka-collab ni Ivana sa future vlogs niya.

Sa bahagi kung saan binanggit ni Mona (sister ni Ivana) ang pangalan ni Marco Gumabao, walang paligoy-ligoy at deretsahang sinagot ng aktres ang salitang “PASS”.

Samantala sa part naman na si Joshua Garcia ang pangalan na binitawan ni Mona, sumagot ng “Collab” si Ivana in a light note.

Nagtaka tuloy ang mga netizen kung bakit kaya mabilis na nag-pass si Ivana pag dating kay Gumabao.

Umiral tuloy ang pagiging imbestigador ng mga fan at hinalungkat ang maaaring dahilan kung bakit ganoon ang naging response ni Ivana.

Hanggang may isang nag-post na ipinagdugtong ng fan ang interview ni Ivana with Toni Gonzaga kung saan nakwento ni Alawi na may naka-date siyang bastos na artista, bastos umano trumato sa mga waiter.

Hininala tuloy ng iba kung si Gumabao ba ang tinutukoy ng aktres kaya agad itong nag-pass sa pangalan ng aktor. #DM

0 comments on “MARCO GUMABAO BASTOS? IVANA ALAWI MAS BET SI JOSHUA GARCIA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: