NEWS AND TRENDS PULITIKA

Sara, nanumpa bilang Lakas-CMD Member

Nanumpa na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), sa posibilidad na tatakbo sa pampanguluhang pwesto sa darating na 2022 Eleksyon bago sumapit ang Nobyembre 15 na itinakdang deadline ng Commission on Elections.

image: radyoinquirer.ph

Isinagawa ang oath-taking ni Duterte-Carpio nitong Huwebes [Nobyembre 11, 2021] kung saan saksi si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Lakas-CMD chairman at naroon din si House of Representatives’ Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, na pangulo ng nasabing partido.

Si Duterte-Carpio ay bumitaw na sa dati nitong partidong Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Nitong Hunyo, sinabi ng Lakas-CMD na nakatakdang i-renew ang alyansa na sakop na partido ni Sara Duterte-Carpio. Ang dalawang nabanggit na partido ay nasa alyansa mula noong 2018 pa, ngunit hindi malinaw kung ang pakikipagsosyo ay muling pinabago para sa nalalapit na 2022 polls.

Sa ngayon ay wala pa ring kongkretong sagot kung tatakbo nga ba si Sara Duterto-Carpio sa pampanguluhang pwesto. ###

%d bloggers like this: