NATIONAL NEWS PROVINCIAL PULITIKA

Free Wi-Fi para sa mga Caviteño, sagot ni Gringo Honasan

ROSARIO, CAVITE: Isang makabuluhang talakayan ang isinagawa kaninang umaga [Nob. 12, 2021] sa Mountsea Resort na pinangunahan ni dating Senador Gringo Honasan. Kasama ang buong konseho ng Rosario sa pangunguna ni Konsehal Bamm Gonzales, Mayor Dino Chua ng Noveleta, at iba’t ibang lider ng unang distrito ng Cavite.

[Ni: Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Isang makabuluhang talakayan ang isinagawa kaninang umaga [Nob. 12, 2021] sa Mountsea Resort na pinangunahan ni dating Senador Gringo Honasan. Kasama ang buong konseho ng Rosario sa pangunguna ni Konsehal Bamm Gonzales, Mayor Dino Chua ng Noveleta, at iba’t ibang lider ng unang distrito ng Cavite.

Sa talumpati ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary at dating Senador Gringo Honasan sinabi niyang,

“Ang kailangan ng mga Caviteño sa panahon ngayon ay ang magkaroon ng Free Wi-Fi. Ang susi natin sa pagtugon ng pandemya ay connectivity. Sa pamamagitan ng Information at communication technology. Ang ating mga cellphone android man yan o i-phone ay pamamaraan lamang. Ito ang paraan at susi upang magtulungan tayo. Upang matugunan natin ang ating pangangailangan sa pagkain, damit, gamot, edukasyon at kalusugan ay magkaroon ng access sa information. Para ang ating mga kababayan lalo na yung mga mahihirap ay magkaroon ng timely, completely, at accurately information. Para makapagdesisyon sila sa mga bagay na may kinalaman sa araw-araw nilang pamumuhay. Hindi lamang sa pagpili ng mga susunod nating mga lider ng ating bayan, kundi sa pagpaplano ng kinabukasan ng pinagkakaingatan nating mga anak at mga susunod pang henerasyon ng mga lider at mamamayan natin”, pagsasalaysay ni dating senador Gringo Honasan.

Pinasalamatan naman ni Konsehal Bamm Gonzales ang layunin na ito ni Honasan para sa mga Caviteño partikular sa unang distrito ng Cavite.

“Napakalaking tulong ng Free Wi-Fi para sa aking mga kababayan sa Rosario. Matutuwa ang mga estudyante na ang ilan sa kanila ay nakiki-connect lamang sa tinatawag na Piso Wi-Fi na gumagastos pa ng pera upang matugunan lamang ang mga aralin sa paaralan. Maraming salamat po Sec. Gringo Honasan”, paglalahad ni Gonzales.

Layunin ng naturang proyekto ay magkaroon ng libreng internet service at palakasin ang internet connectivity sa ilang mga access points ng bawat bayan. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Free Wi-Fi para sa mga Caviteño, sagot ni Gringo Honasan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: