MTRCB, planong i-regulate ang Netflix, Vivamax, at iba pang online streaming sites sa Pilipinas

Read Time:1 Minute, 15 Second

Pinag-aaralan ngayon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pag-regulate sa mga online streaming platforms gaya ng Netflix Philipines.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

“The members of the board yesterday in their meeting would like to tackle it.” pahayag ng bagong spokesperson na si Jose Benjamin Benaldo.

Aniya, hindi pa raw nila ito napag-uusapan ng maayos, nabanggit lang umano ni Chairman Jaro ang tungkol sa usaping ito sa kanilang board meeting nitong Martes, Nobyembre 16.

Sa kasalukuyan, walang klarong mandato ang MTRCB sa online streaming platforms dahil nang isabatas ang mga probisyon ukol sa pagpapatakbo ng ahensya, tanging pelikula at telebisyon lamang ang saklaw nito.

Wala pang internet sa Pilipinas nang itatag ang MTRCB noong 1986.

Ang MTRCB ay nasa transition period sa ilalim ng bagong chairman na si Atty. Jeremiah Jaro, na na-appoint noong Oktubre 22, 2021. Habang si dating Congressman Jose Benjamin “Benjo” Benaldo ang bagong spokesperson at executive director II ng MTRCB.

Matatandaan na ipinatanggal ng MTRCB sa dalawang episodes ng Pine Gap sa Netflix Philippines dahil sa nalabag nito ang “Philippine sovereignity” na hindi lehitimo ang teritoryong inaangkin ng China. Tinukoy kasi dito ang nine-dash line na paghahabol ng China sa mga teritoryong nais nitong sakupin. Ito ang naging dahilan kung bakit napatigil ng MTRCB ang pagpapalabas ng naturang episode sa Netflix Philippines na agad namang pinakinggan ng naturang online streaming.

Ang naturang episode na Pine Gap ay napanood din sa Vietnam, Australia at iba pang bansa ang kabuuan ng seryeng ito. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Kids not allowed in malls – PMA
Next post IN SULTAN KUDARAT PROVINCE: PhilHealth XII Opens Office in Lebak

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: