
Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bong Go-Sara Duterte tandem para sa nalalapit na May 9, 2022 national elections sa isang pagpupulong kasama ang mga lawmaker mula sa House of Representative sa Malacañang nitong Martes.
“Si Pangulo ay mabilis lang nagsalita na ang ine-endorse…Bong Go-Sara Duterte tandem. Pero never niya minention iyong Senate plan niya e. Ang nag-mention nun si Senator Bong Go at saka si Speaker and the rest,” sambit ni DIWA Rep. Michael Aglipay, na kasama rin sa 95 lawmakers na naroroon din sa nasabing pagpupulong nitong Miyerkules.
Inilarawan naman ni Palace spokesman Karlo Alexei Nograles na ang pagtitipon na iyon ay impormal.
“It was an informal and relaxed gathering with lawmakers, many of whom are friends of the President dating back to his days as mayor of Davao City. It was, for the President, an opportunity to see friends he had not personally seen since the onset of the pandemic due to the restrictions that had been put in place,” saad ni Nograles na binigyang diin na ang mga kasama nila sa pagtitipon ay sumasang-ayon sa Bong Go-Sara Duterte tandem.
Tatakbo sa panguluhang pwesto si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go habang si Pangulong Duterte naman ay tatabo sa pagka-senador sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).
Nilinaw naman ni Nograles na walang mali sa pagtakbo ni Duterte at Go sa ilalim ng PDDS party sapagkat ito ay allied din ng PDP Laban na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Aniya, kumpiyansa at matatagtag ang kanilang partido sa pagsuporta sa pagtakbo ni Senador Bong Go sa panguluhang pwesto at si Pangulong Duterte para senador.
Samantala, tatakbo bilang Ikalawang pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kamakailan lamang ay nanumpa sa partido ng LAKAS-CMD at tatakbo naman sa panguluhang pwesto si dating senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP). #DM
0 comments on “Pangulong Duterte, inendorso ang Bong Go-Sara Duterte tandem sa 2022 Eleksyon”