NATIONAL NEWS

SSS, inalis na ang multa para sa may mga Overdue loan accounts

MANILA, Philippines --- Inihayag ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na na-waived na ang penalties sa mga overdue loan payments ng kanilang mga miyembro hanggang sa susunod na Pebrero 2022.

Good news para sa mga SSS member na may overdue loans!

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na na-waived na ang penalties sa mga overdue loan payments ng kanilang mga miyembro hanggang sa susunod na Pebrero 2022.

Sinabi ni SSS president and CEO Aurora Ignacio kahapon, [Nobyembre 17, 2021] na maaari nang ma-avail ang short-term member loan penalty condonation program (STMLPCP) na bahagi ng kanilang pandemic relief and restructuring programs (PRRP 5).

Ang STMLPCP ay nagpapahintulot sa mga miyembro ng SSS na mabayaran ang kanilang mga overdue loan payments kung saan ay mababalewala o aalisin na ang penalties. Tanging ang principal at interest na lamang ang babayaran.

May dalawang paraan para ito ay mabayaran; una ay dapat bayaran ang backlog ng buo sa loob ng 30 calendar days mula sa receipt of notice of approval sa kanilang aplikasyon ukol dito; at ang ikalawa naman, babayaran ito ng 50% porsiyento mula sa consolidated loan sa magkaparehong bilang ng mga araw at ang natitirang 50% porsiyento nito ay babayaran sa pamamagitan ng installment basis sa loob ng anim (6) na buwan.

Magkakaroon ng 3% interest kapag hindi nabayaran sa loob ng isang buwan na itatakda at 1% naman ang interest na matatamo sa bawat late o unpaid installment.

“Please do take note that no staggered or partial payment shall be allowed for the consolidated loan under one-time payment or a 50 percent down payment under installment term, even if the required payment is completed within the 30-day period,” saad ni Ignacio.

Para sa mga SSS member na may existing overdue loans sa loob ng anim na buwan o unang araw ng pagpapatupad ng STMLPCP, maari nang mag-apply para sa condonation mula sa SSS sa pamamagitan ng pag register o mag-log in lamang sa inyong my.SSS accounts at hanapin ang applications for the STMLPCP gamit ang inyong SSS-issued payment reference number at itakda ang inyong loan amount at due date para sa pagpo-proseso nito.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.sss.gov.ph/

One of my expertise is to create copy, simple yet catchy copy that is unique to your company, and to share my published journals that you can use. My official mascot is a T-Rex, it represents my name itself; T-Rex Copywriting is one of the most creative yet affordable copywriting services that can effectively translate your thoughts into cash-generating words. I guarantee copies that boost your marketing effort and maximize sales.

0 comments on “SSS, inalis na ang multa para sa may mga Overdue loan accounts

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: