
The long wait is over! Matapos ang mahaba-habang deliberasyon, naka-pili na ang award-winning director (Chito S. Roño) ng TV Series na ‘Darna’ kung sino ang karapat-dapat maging Valentina.
Pormal na ipinakilala ni Jane De Leon [na siyang gagaganap na Darna] si Janella Salvador sa publiko bilang Valentina.
“Sabi nga nila, walang magaling na bida kung walang worthy na hahamon sa kanyang kakayahan. Today, I am proud today na may napili na tayong babaeng magbibigay kulay at pasakit sa buhay ni Darna,” say ni De Leon.
“Good afternoon, mga Kapamilya. Ako po si Janella Salvador and I am Valentina,” panimula naman ni Janella.
Kapwa excited sina Salvador at De Leon na makatrabaho ang isa’t isa. #DM
0 comments on “Janella Salvador, bagong Valentina sa ‘Darna’ TV Series”