COVID-19 PH NATIONAL NEWS

Palasyo, inanunsyo ang COVID-19 Alert Levels sa ilang bahagi ng bansa mula Nob. 22 hanggang 30

Inaprubahan ng COVID-19 task force ang alert levels sa mga lugar na hindi sakop ng bagong sistema ng pagluluwag dulot pa rin nang nagpapatuloy na pandemya sa bansa.

image: banatpilipinasnews.com

Inaprubahan ng COVID-19 task force ang alert levels sa mga lugar na hindi sakop ng bagong sistema ng pagluluwag dulot pa rin nang nagpapatuloy na pandemya sa bansa.

Ang mga lugar na nasa Alert Level 2 mula sa Nobyembre 22 hanggang 30 ay ang Benguet, Abra at kalinga sa Cordillera Administrative Region (CAR); Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan at Occidental Mindoro sa Region IV-B; Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur at Agusan del Norte sa Caraga; at Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan ang mga establisimiyento na mag-operate (indoors) sa 50% capacity with additional 10% capacity kung mayroon silang safety seal na maipapakita. Para naman sa outdoors, pinapayagan na mag-operate ng hanggang 70% porsiyento.

Nasa Alert Level 3 naman ang Apayao, Mountain Province at Ifugao sa CAR; Dinagat Islands sa Caraga; at Sulu sa BARMM sa loob ng nasabing mga araw.

Samantala ang Metro Manila at iba pang mga lugar na sakop nito ay mananatili sa Alert Level 2 hanggang katapusan ng Nobyembre.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Nobyembre 11 ang nationwide implementation ng five-tier Alert Level System kung saan ay limitado ang pagtatakda ng lockdown sa mga piling lugar na may mataas na bilang ng hawaan ng COVID-19 community transmission. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Palasyo, inanunsyo ang COVID-19 Alert Levels sa ilang bahagi ng bansa mula Nob. 22 hanggang 30

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: