
Ikinasal na ang dating Goin’ Bulilit star na si Hopia o Trina Legaspi sa totoong buhay.
Ginanap ang kasal niya nitong Nobyembre 20, 2021 (Sabado) lamang.
Non-showbiz ang kaniyang napangasawa na nag-ngangalang Ryan Jarina.
Imbitado sa kasal niya ang ilan sa kaniyang mga kaibigan mula sa Goin Bulilit na sina Igi Boy Florez at CJ Navato.
Kabilang naman sa bridesmaids niya ay sina Michelle Vito at Liza Soberano.
Huli siyang napanuod sa mga palabas na A Love To Last, Nathaniel, MMK at marami pang iba. #DM
0 comments on “Trina “Hopia” Legaspi kasal na!”