[by Athena Yap]
Ano kaya ang pakiramdam na masayawan nang malapitan ng Korean all-male group na BTS?

‘Yan ay ikinuwento ng dating Kapamilya News Anchor at Emmy Award Winning na si Cher Calvin. Habang nasa kalye sa labas ng CBS Studio, Los Angeles nitong Martes (Miyerkules sa Pilipinas) nang abutin ng red light may kakaibang napansin ang host.
Nagdagsa raw ang mga tao sa gilid ng daan at makikita sa video na pamilyar ang mga mukha at awra na makikita sa tabi ng stop light. Hanggang ma-realize niya na ang BTS pala ito.
Sa video na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram, makikitang hinarangan ang daan at pagkatapos ay pumuwesto na ang mga miyembro ng grupo sa gitna ng pedestrian at sumayaw ng hit song nila na ”Butter.”
Sinayawan na nga siya, hinawakan pa! (Ang kotse niya).
‘Di rin maitatanggi na isa sa mga avid fan ng naturang grupo si Calvin.
“Not gonna lie, I’m officially a #fanforlife” sabi pa niya sa caption nang videohan niya ang nakaka-kilig na pangyayari.
Syempre pa, maraming kapwa Pilipino ang namangha sa nakita sa video at nainggit o napa-“sana all.” #DM
0 comments on “BTS sinayawan dating Kapamilya news Anchor”