CAMPUS Press Release

“Otra Declaración Desperada” ni Leona Florentina, tampok sa hulíng onlayn talakayan ng KWF ngayong 2021

Para sa hulíng libreng onlayn talakayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngayon 2021, ipababása ang “Otra Declaración Desperada/Isa Pang Pangahas na Pahayag” ng makatang Ilokana na si Leona Florentino.

Para sa hulíng libreng onlayn talakayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngayon 2021, ipababása ang “Otra Declaración Desperada/Isa Pang Pangahas na Pahayag” ng makatang Ilokana na si Leona Florentino.

Tinatawag ang proyekto na Onlayn Talakayan sa mga Babasahín sa Kulturang Filipino at serye ito ng mga libreng sesyon sa pagbása at diskusyon. Layon nitó na magpasigla ng kultura ng pagbabasá at pagbabahagi ng kaalaman sa madla.

Sa mga nagdaang sesyon, pinag-usapan sa talakayan ang mga akda nina Emilio Jacinto, Antonio Luna, Apolinario Mabini, at Andres Bonifacio.

Kinakailangan lámang magpatalâ ang mga kalahok sa https://forms.gle/iqTWwogZGuVFdjjN9.

Pipiliin ng KWF ang 30 kalahok para sa nasabing talakayan.

Ipababása sa mga kalahok ang nasabing teksto at pagkakalooban ng gabay ng video na magpapaunlad ng kanilang danas sa pagbása. Matapos nitó ay lalahok sila sa isasagawang talakayan na gagabayan ng mga kawani ng KWF.

Tatanggap ang mga makatatapos ng sesyon ng katibayan ng paglahok.

Itinuturing na isang haligi sa hanay ng mga makatang Pilipina si Florentino (1849–1884). Sumulat siya ng mga tula sa wikang Ilokano at Español sa panahong hindi pa gaanong naililimbag ang kababaihan.

Nailathala ang kaniyang mga tula sa Francia, Estados Unidos, at España.

Para sa karagdagang detalye, maaaring magpadala ng email sa rrcagalingan@kwf.gov.ph, o bumisita sa kwf.gov.ph.

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on ““Otra Declaración Desperada” ni Leona Florentina, tampok sa hulíng onlayn talakayan ng KWF ngayong 2021

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: