[Ni: Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE – – – “Masaya kaming nakasama at nakapiling ang langit,” iisang tinig ng mga magtitinapa.
Isang maagang pamasko ang alay ni Rey Langit sa 300 magtitinapa sa Rosario, Cavite na ginanap kahapon (Nob. 26, 2021) sa Brgy. Covered Court, Brgy Ligtong 1.


Hindi magkamayaw sa tuwa at saya ang mga magtitinapa ng bumungad sa kanilang harapan ang tinig sa likod ng katagang, “To Saudi with Love” na si Rey Langit. Kilalang batikan na Broadcaster sa bansa. Naging tanyag sa kanyang radio program na nagsilbing tulay sa maraming Overseas Filipino Workers (OFW) upang mapanatili ang magandang komunikasyon ng pamilya.
Umuwing bitbit ang dalawang eco-bag na puno ng grocery item ang bawat magtitinapa.


Ang pamaskong handog na ito ni Rey Langit ay naging matagumpay sa tulong ng Kasangga mo ang Langit Foundation, JC Cares Foundation, at San Miguel Corp.
Kinilala at pinuri naman ni Langit ang masarap na pamosong “Tinapang Salinas”.

“Gustong-gusto ko ang lasa ng tinapang salinas lalo na sa almusal. Hinahanap-hanap ko talaga ang tinapa na mula sa Salinas”, pagmamalaki ni Langit.
Pinasalamatan naman ni Marissa Aprao, pangulo ng samahan ng magtitinapa si Langit dahil isa ang kanyang grupo sa nabigyan ng pamaskong handog.
“Maraming salamat kay Pareng Rey Langit, hindi niya kami nakakalimutan. Sana marami pa siyang matulungang tao”, saad ni Aprao.
Si Rey Langit ay ginawaran ng pagkilala ng Santo Papa noong 1981 dahil sa kanyang radio program na itinuturing na kauna-unahang mamamahayag na kumilala sa mga OFW’s. #DM
0 comments on “300 Magtitinapa, nabiyayaan ng Langit”