
Itinuturing na “variant of concern” ng World Health Organization ang bagong coronavirus na B.1.1.529 variant o Omicron na unang nadiskubre sa South Africa at Botswana.
Nakitaan ito ng maraming mutations ng mga health experts at kinukonsidera bilang “serious public health implications.”
Iniutos na rin ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na suspindehin ang inbound flights mula South Africa, Botswana, Namibia, Zimbanwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique.
Hindi kasama ang HongKong kung saan ay may nadiskubre ng bagong variant.
Samantala, papayagan namang tanggapin ang mga may flight papasok ng Pilipinas hanggang ngayong hating gabi (Nob. 27, 2021) ngunit kailangan nilang dumaan sa 14-day quarantine. #DM
0 comments on “B.1.1.529 o Omicron variant, itinuturing na “variant of concern” – WHO”