[by Athena Yap]
Love wins, sabi nga nila!
Walang wala raw ang mga teenage or millennial love teams sa paglalambingan ng aged couple na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.
Kilig na kilig ang mga netizen sa pagiging mag-jowa ng dalawang veterans.
Makikita sa Instagram ni Cherry ang very romantic bonding nila ng boyfriend habang nasa Yate sa America.
Sa katunayan, para sa kanilang mga fan, mas nakakakilig pa nga raw ang sweetness nila kaysa sa LizQuen, Kathniel at iba pang love teams.
Matatandaang kinumpirma ni Edu ang relasyon nila noong November 19 sa text convo nila ng isang broadcaster na agad ibinalita sa publiko.
Magkasama sila sa series na “Marry Me, Marry You” kung saan umano nagsimula madevelop ang relasyon nila. #DM
0 comments on “Cherry, Edu daig pa Kathniel”