14 bansa na may local transmission ang isinailalim sa Red list ng Pilipinas ayon sa Palasyo

Read Time:1 Minute, 47 Second

Inihayag ng Malacañang nitong Lunes (Nob. 29), ang tungkol sa mga bansang isinailalim sa red list sakabila nang banta ng pinangangambahang Omicron variant, ang pinakabagong COVID-19 variant na binabantayan sa buong panig ng daigdig.

“Ang napagdesisyunan namin sa IATF, ‘yung pagre-red list ng countries will be dependent kung mayroon nang local case ng Omicron doon sa bansang ‘yon,” saad ni Acting presidential spokesperson Karlo Alexia Nograles sa public briefing nito tungkol sa hindi pagbilang sa Hong Kong kung saan nadetect ang naturang bagong variant.

Ang mga biyahero mula sa mga bansang isinailalim sa red list o may high risk ng COVID-19 transmission ay pinagbabawal na makapasok sa Pilipinas.

Samantala, ang mga biyahero mula sa mga bansang nasa green list o ang mga area na may low risk ng COVID-19 transmission ay pinapayagang makapasok sa Pilipinas at hindi na dadaan pa sa quarantine facility.

Ang mga biyahero mula sa mga bansa, teritoryo at hurisdikyon na nasa ilalim ng yellow list naman ay maaaring pahintulutang pumasok sa Pilipinas, ngunit kinakailangan mag-quarantine at sumunod sa health protocols na itinakda ng Pilipinas.

“The reason why ‘di natin na-red list ang Hong Kong at ‘yung iba pang mga countries is again ‘yung pinaka-consideration natin in red-listing countries is ‘yung detection of a local case ng Omicron in those countries,” dagdag ni Nograles.

Sinisiguro naman ng pamahalaan na mahigpit nilang binabantayan ang nasabing new COVID-19 variant at ang pagmonitor sa Hong Kong at iba pang mga bansa.

“We will not red-list that country unless nakikita namin na may high probability na mayroon silang nami-miss out na local transmission ng Omicron na ‘di pa nila nade-detect,” ani Nograles.

Ang mga biyahero mula sa Hong Kong ay kinakailangan sumunod sa regulasyon at ang mga bansang nasa yellow list, ang pagsunod sa kwarantina bago pumasok sa Pinas at dapat mag negatibo sa swab test result.

Sa katunayan, 14 countries ang nasa ilalim ng red list ng Pilipinas, ang mga bansang ito ay ang Austria, Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerlands, Belgium, Italy, South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique hanggang Disyembre 15. ###

About Post Author

rbmreports

One of my expertise is to write stories for SMEs and make them published in digital and print. I also write Ad copywriting, slogans and taglines, Tagalog poems, and inspirational/motivational videos.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DPWH in Sultan Kudarat hangs tarp in support to the government’s “18–Day Campaign to End Violence Against Women”
Next post The Philippine Revolution: A critical approach to history as simplicity By Manuel Festin Martinez
%d bloggers like this: