JK Labajo na meet ang long lost lolo Rastaman

Read Time:50 Second

[by Athena Yap]

Tuwang tuwa ang astig celebrity na si JK Labajo nang makilala sa personal ang internet sensation na si Rastaman.

Tinawag pa nga niya itong “long lost lolo” sa kanyang post. Well, pasado naman sa looks!

“With my long lost lolo. sobrang the best ni papi rastaman!!! good vibes,” saad sa kanyang caption.

Natuwa rin ang mga fan na makita silang magkasama at hinala pa ng iba na maaring may collaboration na gagawin ang dalawa. Pwedeng tungkol sa mga kanta ni JK, maari din na may sulyap sa future music videos ng singer.

Gayunpaman, walang malinaw na dahilan kung bakit nagkasama ang dalawang personalidad.

Samantala, ang iba ay naguguluhan kung ano ba ang meron kay Rastaman.

Nakilala si Rastaman noong 2019 nang maghain ng certificate of candidacy bilang senador. Nagmarka ang makulit niyang sagot tungkol sa pagka-kandidato niya.

“Ang motorcycle ko may pakpak yo! yo! half human, half zombie yo! Dahil dyan ay naging paborito siyang gawan ng memes ng mga netizen. #DM

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Muling pagsuot ng Face shields naka-base sa mga eksperto – VP Robredo
Next post THE APPLICANTS FOR PRESIDENTIAL SEAT; HEIR OF FILIPINO TRUST
%d bloggers like this: