COVID-19 PH NATIONAL NEWS

Muling pagsuot ng Face shields naka-base sa mga eksperto – VP Robredo

Sinabi ni Vice President Leni Robredo nitong Martes (Nob. 30, 2021) na ang pagsuot muli ng face shields ay naka-base sa pag-aaral ng mga eksperto sa siyensya sakabila nang hakbanging plano ng gobyerno na mag-reimpose ng mandato sa paggamit ng face shields ng publiko.

Sinabi ni Vice President Leni Robredo nitong Martes (Nob. 30, 2021) na ang pagsuot muli ng face shields ay naka-base sa pag-aaral ng mga eksperto sa siyensya sakabila nang hakbanging plano ng gobyerno na mag-reimpose ng mandato sa paggamit ng face shields ng publiko.

“Ano ba ‘yong sinasabi halimbawa ng [World Health Organization]? Sinabi ng WHO, hindi nire-recommend na gawing mandatory siya, so sa akin, anuman ang desisyon, kailangan naka-base sa ano ba ‘yong pagtingin ng experts tungkol dito,” saad ni Robredo.

Nagpahayag naman ang WHO representative sa Pilipinas na si Dr. Rabindra Abeyasinghe na hindi kailangan na magkaroon ng mandato sa paggamit ng face shields sakabila nang pinangangambahang pagpasok sa bansa ng nakahahawang Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi naman ng gobyerno na ang paggamit ng face shield ay hindi mandatory sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2 at 3, maliban sa pagtatakda ng mga indoor establishments.

Samantala, nagpahayag naman si vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III na kanilang sinusuportahan ang muling pagbabalik ng face shield sa publiko para maiwasan ang banta ng Omicron variant. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Muling pagsuot ng Face shields naka-base sa mga eksperto – VP Robredo

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: