fbpx
Thursday, April 25, 2024
KWF at GUMIL Filipinas (GF), Magsusulong ng mga proyektong pangwika!

KWF at GUMIL Filipinas (GF), Magsusulong ng mga proyektong pangwika!

0 0
Read Time:1 Minute, 25 Second

Magsusulong ng mga proyektong pangwika ang Komisyon sa Wikang Filipino at Gumil Filipinas (GF) na makatutulong sa pagtataguyod ng panitikan, kasaysayan, at kultura ng mga Ilokano. Ang dalawa ay magtatag ng mga kolaborasyon at mga gawaing networking sa pagpapaunlad ng wikang Ilokano.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Nagkasundo ang KWF at GUMIL Filipinas (GF) na ipatupad ang Ilokano Language Development and Promotion ng GUMIL Filipinas kabilang ang estandardisasyon ng Ortograpiyang Ilokano. Isa pang proyektong pangwika na isusulong ay ang Innadal na mula sa salitang Ilokano na nangangahulugang “magkasamang matututo,” isang quarterly na seminar sa wikang Ilokano para sa mga kabalikat ng wikang Ilokano na sinimulan noong 2019 ng GUMIL Filipinas.

Kabilang din sa proyekto na itataguyod ang Pasnaan. Ang Pasnaan ay isang salitang Ilokano na nangangahulugang “anvil,” isang taunang palihang pampanitikan na bukás para sa mga nagsisimulang manunulat sa wikang Ilokano sa iba’t ibang genre. Itinatag ito noong 2010 at ilan sa mga fellow ay nagwagi na sa prestíhiyósong timpalak, gaya ng Gawad Palanca, naglathala ng sariling aklat, at patuloy na nagsusulat sa iba’t ibang publikasyon sa Ilokano.

Patuloy rin na palalakasin ang Libro Ilokano na inilunsad noong 2015. Itinatanghal sa Libro Ilokano ang mga aklat sa Ilokano na inilathala ng mga manunulat at tagalathala sa Ilokano. Nagsisilbi rin itong lugar sa pagdaraos ng mga panayam sa kasaysayang pampanitikan ng Ilokano, pagsulat at paglalathala ng aklat, at mga usapin sa karapatang-ari.

Ang mga proyekto ay suportado ni Dr. Arthur P. Casanova, Tapangulo ng KWF at Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner para sa Ilokano, bilang pagtupad sa mandato ng KWF na magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Campus Press Release

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading