NATIONAL NEWS PULITIKA

PDP-Laban, hahanap ng mamanukin para sa 2022 Elections Presidential Race

Hahanap ng mamanukin ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para sa 2022 Elections presidential race. Ito'y matapos na mag-withdraw ng kandidatura ang kanilang standard-bearer na si Sen. Christopher Lawrence "Bong" Go para sa panguluhang pwesto.

Hahanap ng mamanukin ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para sa 2022 Elections presidential race. Ito’y matapos na mag-withdraw ng kandidatura ang kanilang standard-bearer na si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go para sa panguluhang pwesto.

Aniya, tutol ang pamilya ni Go sa pagtakbo nito sa panguluhang pwesto sa bansa.

Sinabi ni Acting Palace spokesman Karlo Alexie Nograles, na siya ring executive vice president ng PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, na magkakaroon ng pagpupulong ang kanilang partido.

“Wala ng substitution. So, technically speaking, dahil walang substitution, ang option namin is to adopt,” saad ni Nograles sa isang interbyu sa ABS-CBN News Channel.

“Whatever reasons Senator Go had in announcing his withdrawal, we respect and honor his resolve and greatly appreciate his intentions behind them: to ensure the country’s welfare. However, life must go on; the party needs to move forward regardless of the prevailing circumstances,” dagdag ni Nograles.

Nagbigay ng pahayag si Go nitong Miyerkules (Dec. 01, 2021) na tinatanggap ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbibitiw sa panguluhang pwesto.

“Nagkausap po kami noong isang gabi ni Pangulong Duterte. At naiintindihan naman po ako ni Pangulong Duterte, that I am agonizing all throughout the days na after I filed my candidacy as president. Talagang nag-a-agonize po ako. Hirap na hirap po ako; hindi po ako maka-concentrate sa pangangampanya dahil sa bigat po ng aking nararamdaman,” ani Go.

“At ayaw ko na pong pahirapan pa si Pangulong Duterte. Mas makaka-focus po kami ngayon dito to protect his legacy, ‘yung kanyang naumpisahang pagbabago,” dagdag ni Go.

Samantala, sinabi ni Cusi na nananatiling “ruling party” ang PDP-Laban sakabila nang kinahaharap ng kanilang partido.

“PDP-Laban basic principles will lead the party in determining the rightful candidate to support because after all, it is not a personality we support but an opportunity given to someone who will hold the country’s future in his hands,” ani Cusi. #DM

0 comments on “PDP-Laban, hahanap ng mamanukin para sa 2022 Elections Presidential Race

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: