Entertainment Vlogger

Cong TV, Viy Cortez magiging parents na!

Positive! Dalawang beses pa! Masayang ibinahagi sa vlog ng long time couple vlogger na sina Viy Cortez at Cong TV ang magandang balita na sila ay magkaka-baby na.

[by Athena Yap]

Positive! Dalawang beses pa! Masayang ibinahagi sa vlog ng long time couple vlogger na sina Viy Cortez at Cong TV ang magandang balita na sila ay magkaka-baby na.

Tila hindi pa makapaniwala sa una si Viy at dinalawa na agad ang Pregnancy Test para makasigurado.

Kwento niya, hindi niya alam kung maniniwala ba siya dahil bago siya ma-operahan dalawang linggo makalipas ay negative pa ang resulta niya sa PT.

“Naka-dalawang PT ako, dalawang may linya pero naiiyak ako kasi natatakot ako kasi di ba kakaopera ko lang at negative ako nun…. So kung negative ako baka false positive rin ngayon, so naiiyak ako kasi baka umasa lang ako tapos hindi naman pala.”

Dahil diyan ay halo-halo ang emosyon ni Viy dahil hindi raw talaga mawala sa kanya ang pangamba. Pero napag desisyunan din niya na-ishare na rin sa dyowang si Cong ang resultang nakuha niya sa PT.

Ramdam na kabado si Viy habang ginagawa ang vlog, na’ng iharap naman bigla ni Viy kay Cong ang resulta, bahagyang nagduda si Cong kung sa girlfriend niya ba talaga ito, ngunit na’ng makita na umiiyak si Viy ay agad naniwala ito at napasigaw sa sobrang saya.

“Sana ito na ‘yun! Ito na ‘yun!” sabi ni Cong.

Kung isa ka sa matagal nang nanunuod sa kanilang mga vlog, ay siguradong may idea ka na nabuntis na noon si Viy ngunit hindi pinalad na matuloy ang pagbubuntis. Kaya ngayon naman ay super nagdadasal ang lahat para sa safe na pagbubuntis ni Viy. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Cong TV, Viy Cortez magiging parents na!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: