Entertainment NEWS PULITIKA

Dating Pangulong Marcos, Duterte, Macapagal Arroyo at Estrada tinawag na “Samahan ng MaDuME” ni Joel Lamangan

Nagpaalala ang isang sikat na film maker na si Film director Joel Lamangan na maging matalino at mapanuri dapat sa pagboto ngayong darating na halalan 2022 at huwag iboboto ang "Samahan ng MaDuMe" na mga politiko na nanilbihan sa ating bayan.

Nagpaalala ang isang sikat na film maker na si Film director Joel Lamangan na maging matalino at mapanuri dapat sa pagboto ngayong darating na halalan 2022 at huwag iboboto ang “Samahan ng MaDuMe” na mga politiko na nanilbihan sa ating bayan.

Pinangalanan ni Lamangan ang mga politikong itinuturing niyang Samahan ng MaDuMe na sina; Marcos, Duterte, Macapagal Arroyo, at Estrada.

“Ngayong darating na eleksyon, malaki ang nakataya sa kinabukasan ng ating bayan. Ngayon natin nakita ang pagkakaisa ng tinatawag nating mga olargarkiya, ang samahan ng MaDuME. Ano ang MaDuME? Marcos, Duterte, Macapagal Arroyo, Estrada, yun ‘yon, MaDuME,” sabi ni Director Lamangan.

Inihayag din ni Lamangan na ang kasalukuyang rehimeng Duterte, si dating pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo, at ang namayapang Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kasama ang kanyang pamilya ay nais nitong baguhin ang kasaysayan ng Pilipinas sa pagpapakalat ng kasinungalingan.

“Ang kinabukasan natin, pagsama-samahin mo ang mga rehimen nila, diyan nagsimula ang hindi magandang kasaysayan ng ating bansa na gusto nilang ibahin, gusto nilang baguhin ang ating kasaysayan!

“Baguhin ang kasaysayan nila na magsisilbi sa kanilang interese na magpapakita sa kanilang pamilya sa isang magandang imahe! Gusto nilang huwag sabihin ang katotohanan at takpan ito para sa sarili nilang kapakanan at sa mga anak at pamilya nila.

“Mamulat na tayo ng mata, huwag na tayong maging basta-basta na lamang boboto nang hindi tama. Nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating bayan.”

Binigyang-diin ni Lamangan na ang alyansa ng mga pamilyang pampulitikang ito ay tanda na dapat magkaisa ang mamamayang Pilipino at pigilan ang kanilang pagiging mapusok at mapag-angkin ng kapangyarihan.

“Ito ang mga rehimen na hindi naniniwala sa karapatang pantao, ito ang rehimen na hindi naniniwala sa tunay na kalayaan, ito ang rehimen na hindi dapat ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating mga anak at ng ating magiging mga apo.”

Aniya, dapat na maging mapanuri ang publiko sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa ating bansa at huwag kalilimutan ang ugat ng kataksilan sa taumbayan. Inalala rin ni Lamangan ang kanyang mga staff na huwag nilang ibigay ang boto sa katulad ni Pangulong Duterte na tila ibinebenta ang kasarinlan ng Pilipinas sa Tsina.

“Sinasabi ko nga sa mga mamamayan lalo na sa mga nakakasama ko sa shooting, kapag nagkakaroon ng diskusyon, kung ikaw, alam mo na ang kandidato mo ay magnanakaw, kung ikaw alam mo na ang kandidato mo ay sinungaling, kung ikaw alam mo na ang kandidato mo ay hindi naniniwala sa karapatang pantao, kung ikaw naniniwala ka at alam mo na ang kandidato mo ay binebenta ang Pilipinas sa ibang bayan, sa Tsina.

“‘Pag binoto mo siya, iisa lang ang pagkatao niyo. ‘Pag siya ang binoto niyo, ibig sabihin, kapag sila ang naging ating mga opisyales, at hindi naging maganda uli ang takbo nang bayan, bababagin kayo ng konsiyensya ninyo dahil kayo ang dahilan ng hindi paglaya ng ating bayan.” #DM

SOURCE:

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Dating Pangulong Marcos, Duterte, Macapagal Arroyo at Estrada tinawag na “Samahan ng MaDuME” ni Joel Lamangan

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: