“Sa patuka ng manok, by volume 50% niyan mais,”

Ito ang itinuturong dahilan sa posibleng kakapusan ng suplay ng itlog sa mga darating na buwan, ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) chairman Gregorio San Diego sa isang panayam ng DzBB.
Aniya, tumaas ang presyo ng mais na mula P14 ay umakyat ito sa P22 kada kilo. Tumaas din ang halaga ng soybean mula P27 pumalo ito sa P55 kada kilo.
Dahil dito, nagbabala si San Diego na sa loob ng anim na buwan, posibleng magkaroon ng kakulangan sa suplay ng mga itlog sakaling magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga patuka sa manok.
Binigyang-diin ni San Diego na tulad din ng mga tao, nangangailangan din ang mga manok ng tamang pagkain para sa kanilang kalusugan.
“Kailangan tama ang sustansya niyan kaya ang formulation gamit amino acids, ‘yun ang maganda sa hayop,” ani San Diego.
Sa kasalukuyan, nasa P4.50 hanggang P5.00 bawat isa ang presyo ng medium-sized na itlog, ayon kay San Diego. ###
0 comments on “Dahil sa pagtaas ng patuka: kakapusan ng suplay ng itlog, posible”