Miss Bahrain Manar Nadeem Deyani, umalma sa mga bully sa social media

Read Time:1 Minute, 4 Second

[by Athena Yap]

Hindi na pinalampas ni Miss Bahrain candidate na si Manar Nadeem Deyani ang mga nambu-bully sa kanya sa social media.

Nag-trending kasi ang litrato nila kung saan makikita na tila iba ang awra ni Miss Bahrain kompara sa ibang mga kasama niyang kandidata.

Dahil d’yan ay napag-tripan sa comment section ang hitsura ni Miss Bahrain.

“Parang ang daming nilabhan ni Bahrain”

“Bigyan ng Milo si Bahrain”

“Mag enervon ka, Bahrain!”

Iyan ang sunod-sunod na tirada ng mga basher sa picture na nag-trend.

Samantala, may ilan namang mabubuting puso na hindi hinusgahan ang kandidata at pinagtanggol pa.

“Grabe kayo makalait kay Miss Bahrain first time nila magkaroon ng candidate sa Miss U. Saka respect naman bilang tao,” depensa ng isang fan.

Sumagot naman ang mismong kandidata sa comment section at naglahad ng kaniyang sentimyento.

“I see so many bullies from these pictures. I am here to have a representation for all women regardless of the shape, size, religion, or color. For the people who spread hate on social media – I have nothing but love for all of you. I hope you find peace in your heart as me and my co-sisters unite to break the world’s stereotypes of beauty.” Saad ni Miss Bahrain. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 22 Aklat, Ilulunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Disyembre 2021
Next post Is Our Christmas Still Merry?
%d bloggers like this: