COVID-19 PH NEWS

DOH: Walang nagpositibo sa mga biyahero na galing sa South Africa nitong Nobyembre

Walang nagpositibo sa Omicron variant sa mahigit 200 biyahero na mula sa South Africa na dumating sa bansa nitong nakaraang buwan, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado.

image: rmn.ph

Walang nagpositibo sa Omicron variant sa mahigit 200 biyahero na mula sa South Africa na dumating sa bansa nitong nakaraang buwan, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado.

“As of December 9, meron po tayong lumabas na resulta ng whole genome sequencing. Unang una, gusto natin ipaalam sa ating mga kababayan there was no sample positive for the Omicron variant,” saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.

Mahigpit na binabantayan ng DOH ang 253 na mga biyahero mula sa South Africa na dumating sa Pilipinas noong Nobyembre 15 hanggang 19 bago pa man magpatupad ng temporary travel restrictions sa mga bansang apektado ng Omicron variant.

Sakabila nang walang naitalang nagpositibo sa Omicron variant sa Pilipinas, may binabantayan na isang biyahero na nakitaan ng B.1.1.203 COVID-19 variant.

“Hindi siya Omicron. Hindi rin siya isa mga variant na binabantayan natin sa bansa at hindi variant of concern o variant of interest,” ani Vergeire.

Sa magkaibang statement, sinabi ng DOH na ang tinukoy na biyahero na nakitaan ng B.1.1.203 COVID-19 variant nitong Nobyembre 16 ay lumabas na ang resulta noong Nobyembre 21 pa.

“We urge the public to continuously adhere to the minimum public health standards to ensure prevention against transmission of COVID-19,” saad ng DOH. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “DOH: Walang nagpositibo sa mga biyahero na galing sa South Africa nitong Nobyembre

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: