[by Athena Yap]
Wala talagang pinalalampas ang real-life Darna ng Pilipinas!

Sa kabila ng mga isyu ng ibang Marites tungkol sa kanyang mga pag-tulong, dedma ito sa mga tsismis at sa halip ay tuloy tuloy ang pag-abot niya ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette.
Tumungo ang aktres sa headquarters ng Presidential aspirant (Current VP) Leni Robredo at Francis Pangilinan upang personal na mag bahagi ng tulong sa mga nasalanta ng nasabing bagyo.
Kilalang kilala na ang aktres sa palaging pag-tulong nito niya sa bawat pinsala, kalamidad o pandemya na hinaharap ng mga kababayan.
Sa lahat ng oras ay siya talaga mismo ang pumupunta para personal na ibigay ang assistance na kinakailangan ng mga tao. #DM
0 comments on “Angel Locsin umaksyon sa mga nasalanta ng bagyong Odette”