GLOBAL OFW NEWS

OFW sa Vienna, Austria, naging adbokasiya ang pagtulong sa mga batang may leukemia

[Ni: Sid Samaniego]

Taong 2006 nang makipagsapalaran sa Vienna Austria ang Caviteñong si Elmer Caringal Blanco bilang Helper sa isang Bar and Restaurant, 54 taong gulang, tubong Brgy. Capipiza, Tanza Cavite.

Mahusay makipagkapwa-tao si Elmer. Sa kanyang pananatili sa Vienna Austria, pinagbuklod niya ang mga migranteng Pilipino.

Taong 2018 ay itinatag niya ang Global Save Life Foundation. Na ang hangarin ay makatulong sa kapwa Pilipino higit sa mga batang may sakit na Leukemia. Mayroon itong 50 kataong myembro na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Austria.

Habang 25 katao naman ang myembro sa Pinas. Aktibo ang Global Save Life Foundation sa pagsasagawa ng Medical Mission at Outreach Program sa iba’t ibang lugar sa Pinas.

Isang bata mula sa Brgy Bucal, Tanza Cavite na may sakit na leukemia ang una niyang tinulungan. Mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang pagtulong niya sa mga batang may sakit na leukemia.

“Masaya ako at ang aking grupo na makatulong sa ating mga kababayan. Hindi maikukubli ang simpleng ngiti sa aming mga labi sa tuwing may napapasaya kaming mga kababayan natin. Kaya habang nabubuhay ako, at ang grupo ay mananatiling magiging adbokasiya namin ang tumulong sa mga batang may sakit na leukemia”, madamdaming paglalahad ni Blanco.

Si Elmer ay naging pangulo rin ng Samahan ng Caviteño sa Austria noong 2011 at presidente ng Council Filipino Associations in Austria noong 2015. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “OFW sa Vienna, Austria, naging adbokasiya ang pagtulong sa mga batang may leukemia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: