Nanawagan ang presidential aspirant na si Senador Manny Pacaquiao sa kanyang mga kapwa kandidato na tumulong muna sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Odette sa Kabisayaan at sa Mindanao.
“Doon sa mga kandidato na tumatakbo, instead na ginagastos ninyo sa tarpaulin, sa social media, gastusin n’yo muna, gamitin po muna natin sa pagtulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo,” panawagan ni Senator Pacquiao.
“Nawa’y mapakinggan ninyo, maunawaan ninyo ‘yung sinasabi ko… Nakikiusap po ako sa inyong lahat. Magkaisa tayo ngayong nangangailangan ng tulong ang ating mga kababayang nasalanta ng bagyo,” dagdag ni Pacquiao.
Sa ipinoste nito sa kanyang Facebook account, binanggit ng senador ang mga pangalan ng kapwa kandidato sa panguluhang pwesto na sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Sen. Ping Lacson, Bongbong Marcos, at si labor leader Leodegario “Ka Leody” de Guzman.
“I appeal to my fellow candidates [VP Leni Robredo, Bongbong Marcos, Mayor Isko Moreno Domagoso, Senator Ping Lacson, Ka Leody], that due to the devastation of typhoon Odette that we set aside all politics and join together all our resources to help our fellow Filipinos in Visayas and Mindanao,” saad sa Facebook post ni Sen. Pacquiao.
Kinansela rin ni Pacquiao ang selebrasyon ng kanyang kaarawan nitong Biyernes [Disyembre 17]. Sinabi pa ng senador na huwag na rin siyang handugan ng regalo sa kanyang kaarawan bagkus ito ay ibigay na lang sa mga nasalanta.
“’Yung mga kaibigan ko na gustong mag-regalo sa akin, huwag na lang sa akin, doon na lang sa nasalanta ng bagyo. Lalong-lalo na doon banda sa Siargao, medyo naapektuhan talaga sila. So ‘yung magbibigay sa akin ng birthday gift, doon na lang siguro sa mga kababayan na nasalanta,” ani Pacaquiao.
Si VP Leni ay agad namang tumugon sa panawagan ni Sen. Pacquiao.
Agad namang tinugunan no VP Leni ang panawagan ni Sen. Pacquiao at ito ay nagtungo na sa Cebu upang makiisa sa pagtulong.
Sa mga nakalap na ulat, sinabi ni VP Leni na kitang kita ang pagkawasak ng metro Cebu matapos humambalos ng bagyong Odette sa nasabing rehiyon. #DM
0 comments on “VP Leni, tumugon sa panawagan ni Sen. Manny Pacquiao na tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Odette”