Presidential Aspirants, tumulong sa pamamahagi ng cash aids, food reliefs at iba pang pangangailangan para sa mga nasalanta ng bagyong Odette

Read Time:1 Minute, 26 Second
PHOTO: Lagay ng Surigao del Norte matapos humagupit ang bagyong Odette (credit: projectlupad.com)

Nagpaabot ng tulong ang mga presidential aspirants ng relief goods at iba pang donasyon para sa mga komunidad na nasalanta ng bagyong Odette.

Sa isang pahayag, sinabi ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo na ang kanilang mga volunteer ay nakipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard para ipamahagi ang 2,000 na 5-kilogram-packs of rice at 1,548 relief good bags sa Surigao del Norte.

Namahagi ang Office of the Vice President (OVP) ng 200 5-kilogram-packs of rice sa Surigao Island.

“This first batch of relief packages left the Relief Operations Center at 1 a.m. on Sunday and were turned over to the PCG,” nakalahad sa isang statement mula sa tanggapan ng OVP.

Idinagdag pa ng OVP na ang mga donasyon ay ipinagkaloob sa mga humihingi ng tulong para sa mga nawalan ng tahanan at mahal sa buhay dulot ng bagyong Odette.

Samantala, namahagi rin ng tulong si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Majority Leader Martin Romualdez ng P2.5 million na halaga ng relief goods mula sa UniTeam coalition at mahigit P2 million na financial aid sa Southern Leyte.

Ibinahagi ni Marcos at Romualdez ang mahigit P2 million financial aid at P5 million na relief goods sa Butuan City.

Ang UniTeam ay isang koalisyon ng presidential aspirant Bongbong Marcos at ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Nagpadala rin ng social workers at mga doktor para magsagawa ng rescue operations sa Bohol si Mayor Sara Duterte. #DM

SOURCE:

https://www.msn.com/en-ph/news/national/presidential-aspirants-distribute-aid-launch-donation-drives-for-odette-victims/ar-AARXquA?ocid=msedgntp

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post MOA para sa “Integrated Transport Terminal” sa gitna ng BARMM-MILG at LGU-Guindulungan napirmahan na
Next post Pambansang Araw ng Panalangin para sa mga biktima ng bagyong Odette itinakda ng Simbahan Katoliko
%d bloggers like this: