
Moderna COVID-19 booster shot, may tulong-proteksyon kontra Omicron variant
Sinabi ng Moderna Inc. nitong Lunes (Disyembre 20) na ang isang booster dose ng kanilang bakuna ay nakatutulong para magbigay proteksyon laban sa mabilis na pagkahawa ng Omicron variant COVID-19 ayon sa pagsusuri sa kanilang laboratoryo na ang kasalukuyang version ng shot ay magpapatuloy bilang “first line of defense against Omicron.”
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!“What we have available right now is [mRNA] 1273,” saad ni Dr. Paul Burton, ang chief medical officer ng Moderna sa isang interbyu.
“It’s highly effective, and it’s extremely safe. I think it will protect people through the coming holiday period and through these winter months, when we’re going to see the most severe pressure of Omicron.” dagdag pa ni Burton.
Ang Moderna COVID-19 vaccine ay may mataas na neutralizing antibodies upang magsilbing proteksyon sa mga variant na laganap ngayon gaya ng Omicron.
Sinabi pa ng kumpanya na patuloy silang magde-develop ng bakuna na magbibigay proteksyon kontra Omicron variant at umaasa na masisimulan din ang clinical trials sa darating na 2022.
Una nang lumitaw ang Omicron variant na may mabilis na hawaan ng virus nitong nakaraang buwan sa Southern Africa at Hong Kong na kumalat na rin sa 89 na mga bansa sa buong mundo, ayon sa World Health Organization. #DM