KWF, Pinangunahan ang pagbuo ng IRR ng R.A. 11106 – Filipino Sign Language Act (FSL)

Read Time:1 Minute, 58 Second

Pinangunahan ng KWF ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng R.A. 11106 An act declaring the Filipino Sign language as the national sign language of the Filipino deaf and the official sign language of government in all transactions involving the deaf, and mandating its use in schools, broadcast media, and workplaces” o mas kilalá sa tawag na The Filipino Sign Language Act.

Pinangunahan ng KWF ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng R.A. 11106 at naisakatuparan ito sa administrasyon ni Dr. Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino sa suporta ng iba’t ibang stakeholders kabílang si Dr. Liza Martinez, isang advocate ng Filipino Sign Language (FSL).

Puspusan ang ginawang pagkilos ni Dr. Benjamin Mendillo Jr., Fultaym na Komisyoner ng KWF upang matapos ang IRR para sa kapakanan ng deaf community.

Sa ginawang birtuwal na Pagtataas ng Watawat ng KWF, ipinahayag ni Dr. Liza Martinez, pangunahing tagapagsulong ng FSL na, masayáng-masaya siyá sa suporta ng KWF at kinilala niya ang malaking suporta ni Komisyoner Mendillo Jr. upang maisapinal ang IRR. “Sa batas na ito, ang Pilipinas ay isa sa apatnapung bansa na kinabibilangan ng isang daan limampu’t dalawang bansa ng UN na nagsabatas ng pagkilála sa wikang senyas ng komunidad ng mga bingi,” ayon kay Dr. Martinez.

“Sa ASEAN naman, pangatlo lámang ang Pilipinas kasunod ng Malaysia at Thailand na may ganitong kakaibang batas at táyo ang pinakamasigasig ngayon na nagsusulong ng ganitong uri ng pagkilála sa wikang senyas sa buong ASEAN,” dagdag pa niya.

Binanggit din ni Dr. Martinez na kailangan ng malasakit ng Komisyon bílang inatasang kinatawan sa pagpapatupad ng batas. Kailangan din ng pamumunò at pakikilahok ng mga bingi sa lahat ng usapin at gawain na may kinalaman sa kanila at sa FSL.

Kinilala naman ni Komisyoner Mendillo Jr. ang kahusayan at pagsisikap ni Dr. Martinez sa kaniyang mahalagang pagbabahagi ng mga kaalaman hinggil sa FSL upang mabuo ang IRR. Binanggit din ni Dr. Mendillo Jr. na lubos ang suporta ni Tagapangulong Casanova sa pagbuo ng IRR ng R.A. 11106. Kinilala rin niya ang Inter-agency Coordinating Council na binubuo ng tatlong ahensiya na nagpulong upang magsagawa at magbigay ng mahahalagang rekomendasyon hinggil sa R.A. 11106.

Ang prinsipal na awtor ng R.A. 11106 Assistant Minority Leader at ACT Teachers Representative France Castro and dating Representative Antonio Tinio. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Miss World finale to push through on March 2022 
Next post The Contribution of Media and Information in the New Normal Education
%d bloggers like this: