Muling binuksan ang halos apat-naput-apat (44) na mga kalsada sa mga motorista na labis na naapektuhan ng Bagyong Odette, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Sabado (Disyembre 25, 2021).
Sa isang interbyu na nakalap, sinabi ng DPWH na pito sa mga kalsada ay impassable pa para sa lahat ng uri ng mga sasakyan dahil sa mga nag-collapsed na tulay, bumagsak na mga puno, at ang mga nabuwal na poste ng kuryente at iba pang mga humarang sa mga kalsada kung saan mas mapapabilis sana ang pagpapadala ng mga tulong.
Sinabi ni DPWH Secretary Roger Mercado na ang mga nasirang tulay na napaulat ay mula sa Palawan, Siargao, Dinagat Islands, Southern Leyte, at Negros Occidental. #DM
0 comments on “44 kalsada muling binuksan sa mga motorista – DPWH”