COVID-19 PH NEWS AND TRENDS

Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 5 hanggang 11, magsisimula na sa Enero 2022 – FDA

Inaasahan na magsisimula na ang pagbabakuna kontra COVID-19 para sa mga edad 5 hanggang 11 taong gulang sa darating na Enero 2022, ayon sa Food and Drug Administration (FDA) nitong nakaraang biyernes (Disyembre 24).

“Ito pong Pfizer na bakuna na 5 to 11, ang plano po ng ating gobyerno gamitin siguro by January,” saad ni FDA director-general Eric Domingo sa isang interbyu sa radyo.

Ayon pa kay Domingo na kailangan na makapangalap ng bago o karagdagang bakuna na Pfizer para sa mga edad na nabanggit.

Sinabi naman ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na ang pamahalaan ay inaalam pa kung ilang doses ang kinakailangan na gagamitin para sa mga menor de edad.

Ayon naman kay Domingo, kailangan na makatanggap ng dalawang dosis na may mababang volume na bakuna kumpara sa mga nakatatanda.

Samantala, sinabi naman ng Department of Health (DOH) na mahigit 13.5 million kabataan na may edad 5 hanggang 11 ang tinatayang mababakunahan sa bansa base na rin sa kanilang tala nitong nakaraang buwang ng Nobyembre. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 5 hanggang 11, magsisimula na sa Enero 2022 – FDA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: