Biyahero mula USA na nagpositibo sa COVID-19, nag-party sa Makati kahit hindi pa tapos ang hotel quarantine period
Trending ngayon si Gwyneth Chua sa social media na diumano’y hindi tinapos ang kanyang hotel quarantine, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Puyat.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Si Chua ang napabalitang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) na isang biyahero mula Estados Unidos na dumating sa Pilipinas at lumabag sa health and safety protocols para mag-party sa Makati City.
Ayon sa mga lumabas na mga ulat, si Chua ay nagpositibo diumano sa Omicron variant COVID-19. Samu’t saring pangba-bash ang inabot ni Chua sa mga netizen dahil sa hindi nito pagsunod sa ipinatutupad na health protocol sa bansa.
Agad namang umamin ang nag-trending sa social media na si Chua matapos nitong lumabag sa standard health protocols ng IATF.
Dahil dito, magsasagawa ng contact tracing ang pamunuan ng hotel na hindi na tinukoy at ang lokal na pamahalaan. #DM
You must be logged in to post a comment.