NEWS AND TRENDS PROVINCIAL

DPWH-12 tumulong sa pag-transport ng BARMM relief goods papunta sa CARAGA, Dinagat Island

[by Ramil Bajo]

(Photo courtesy from DPWH-12 FB)

Ayon kay Regional Director Basir M. Ibrahim, ang Department of Public Works and Highways (DPWH)-12 ay tumulong sa pag-transport ng “relief goods” na donasyon ng BARMM para sa mga biktima ng bagyong-Odette sa CARAGA at Dinagat Island.

Sa report na pinoste ng DPWH-12 sa kanyang opisyal na FB page, sinabi ni RD Ibrahim na, “two units of dump truck and one service vehicle delivered a total of 800 sacks of rice and other relief supplies to Dinagat Island, Surigao del Norte last December 26, 2021.”

Tumulong din ang DPWH-12 sa “ongoing clearing operations” at “opening of roads” sa mga lugar na inatake ng bagyong-Odette sa CARAGA.

Ayon sa report na pinoste ng nasabing ahensya, nagpadala rin ang DPWH-12 ng 4 units ng dump trucks, 2 units na generator set na may kasamang mga baterya at 6 na chainsaw bilang reinforce mechanisms ng nasabing ahensya sa ginagawang “clearing operations” at “opening of roads” ng Region 13.

Kinumpirma din ng nasabing opisyal sa nasabing report nito na lahat ng “national roads in Region 12-SOCCSKSARGEN are passable to all types of vehicles.” ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: