[Ni RBM]
Nag-iingat ang Department of Health (DOH) kung sakaling kailangan na nga ba na itaas ang quarantine restrictions sa buong bansa sakabila ng pagsipa ng nagpapatuloy na hawaan ng coronavirus Omicron variant.
Sa press briefing nitong Sabado (Enero 1, 2022), sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang gobyerno ay “guided by metrics” sa pagpapatupad ng quarantine alert levels sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan ay tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa naturang virus.
“So we will not recommend [Alert Level 3] to other regions until the figures will show that, like NCR (National Capital Region), kung mabilis ang pagtaas ng mga kaso,” saad ni Duque.
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ay isinailalim sa Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 15, 2022, dahil sa mabilis na hawaan na naman ng nakamamatay na COVID-19 sa bansa.
Sa ilalim ng Alert Level 3, pinapayagan na lamang ang mga establisimiyento na mag-operate ng 30% indoor venue capacity para sa mga fully vaccinated at 50% outdoor venue capacity, kailangan ding fully vaccinated na ang mga empleyado.
Pinaliliban din ang face-to-face classes sa basic and higher education, contact sports, funfairs/perya, at mga casino at iba pang mga aktibidades at establisimyento na nasa ilalim ng Alert Level 3.
Limitado rin ang mga manggagawa sa opisina ng gobyerno sa 60% onsite capacity nito.
Aang mga lugar na may mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay ang NCR (1,981 o 68%), CALABARZON (431 o 15%), at Central Luzon (179 o 6%).
Nakapagtala rin ang bansa ng tatlong local cases ng highly transmissible na Omicron variant, dalawa ay mula sa NCR at ang isa ay mula Bicol Region.
Pumalo na sa bilang na 14 ang Omicron variant cases sa bansa. #DM
Pingback: PNP, makikipag-ugnayan sa Metro LGUs para sa mga alituntunin sa ilalim ng Alert Level 3 simula Lunes, Enero 3 – DIYARYO MILENYO DIGITAL NEWS