MANILA, Philippines — Sumipa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay, Muntinlupa at Parañaque, ayon sa tala ng bawat lokal na pamahalaan.
Wala pang dalawang linggo, pumalo sa 77 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay, ayon sa datos na nakalap mula sa lokal na pamahalaan.
Naitala ang unang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay nitong Disyembre 20 at sumipa na sa bilang na 77 nitong Disyembre 30.
May 39 na bagong aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala mula Disyembre 29 hanggang 30 na pumalo sa bilang na 77.
Umakyat naman sa 63 ang bilang ng mga nagpositibo sa virus sa lugar ng Parañaque nitong Huwebes mula sa labing-tatlo (13) nitong Disyembre 24.
Nakapagtala naman ang Muntinlupa ng 48 cases nitong Huwebes mula sa bilang na 5 nitong Disyembre 20.
Pinaalalahanan muli ng mga Alkalde ang kanilang nasasakupan na panatilihing sumunod sa minimum health protocols. #DM
0 comments on “Kaso ng COVID-19 sa Pasay, Muntinlupa at Parañaque, sumipa”