
PNP, makikipag-ugnayan sa Metro LGUs para sa mga alituntunin sa ilalim ng Alert Level 3 simula Lunes, Enero 3
Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa kani-kanilang local government units (LGUs) para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na health protocols sa National Capital Region (NCR) simula sa Lune, Enero 3.
Ayon kay Police Col. Rhoderick Augustus Alba, tagapagsalita ng PNP, na mahigpit nilang susundin ang mga alituntunin ng mga LGU na nauna nang itinakda ng Inter-Agency Task Force on the Management Infectious Disease (IATF-MEID), sa ilalim ng Alert Level 3.
“The Philippine National Police (PNP) will welcome the year with a recalibrated deployment strategy as more outdoor activities will be prohibited under Alert Level 3,” saad ni Alba.
Inaasahan nila na ang bawat LGU sa NCR ay maglalabas ng executive order na maglalatag ng protocols batay na rin sa pambansang direktiba na itinakda ng IATF.
Dahil sa biglaang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) na nagsimula ilang araw bago ang araw ng Pasko ay muling isinailalim sa mas mahigpit na quarantine protocol ang Metro Manila.
Suspendido rin ang face-to-face classes nang hindi bababa sa sa dalawang linggo kasama ang operasyon ng indoor entertainment, amusement places, casino, horse racing, cockfighting, at contact sports. ###
Basahin ang kaugnay na balita sa artikulo na ito; Bunsod ng paglaganap ng Omicron variant cases: Alert Level 3 sa buong bansa hindi nirekomenda ng DOH
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
DTI, nakipag-ugnayan sa mga Stakeholders para sa pagtugon sa Inflation
Sakabila nang patuloy na paghagupit ng inflation sa buong mundo, ang Department of Trade and Industry (DTI) ay pinapanatili ang...
Lumahok sa Onlayn Talakayan hinggil sa Fieldwork sa Panahon ng Pandemya
Inaanyayahan ang mga guro, mag-aaral, mananaliksik, at kasapi ng mga katutubong pamayanang kultural ng Pilipinas na lumahok at matuto sa...
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
Corona’s consequences – how the Pandemic is changing globalization
by Bernadeth Barillos A quote once said, “If you stay positive in a negative situation, you win.” But with...