DPWH Region 10, PICE at District Engineer’s League of the Philippines namahagi ng relief packs sa Surigao City

Read Time:1 Minute, 53 Second

[by Ramil Bajo]

(Photos from DPWH Region 10 FB)

REGION 10, Jan. 6, 2022 –– Umabot sa 1,145 ang bilang ng mga pamilya na apektado ng bagyong–Odette sa Surigao City ang nakatanggap ng “relief packs” na ipinamahagi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Region 10.

Sa kanilang Facebook page, sinabi ng DPWH Region 10 na ang pamamahagi nila ng mga ayuda sa mga biktima ng bagyong–Odette sa mga barangay ng Rizal at San Juan sa Surigao City ay alinsunod sa utos ni DPWH Secretary Roger G. Mercado na magsagawa ng “relief operations” para matulungan ang mga tao na biktima ng kalamidad, tulad ng bagyo.

Ayon sa DPWH Region 10, para maisagawa nila ng maayos ang kanilang “relief operation,” kung saan tinawag nila na “Tabangan ta ‘Kaw Surigao,” nakipag–coordinate sila sa mga barangay government ng Rizal at San Juan na siya namang mabilis na tumulong para makuha nila ang listahan ng mga pamilya na magiging benepisaryo ng kanilang “relief assistance” at “distribution.”

Ang mga residente ng Rizal at San Juan ay nawalan ng mga bahay at mga hanapbuhay dahil sa bagyong–Odette.

Ayon sa DPWH Region 10, ang lahat ng relief packs na kanilang ipinamahagi sa mga biktima ng bagyong–Odette sa dalawang mga barangay sa Surigao City ay produkto ng “collaborative efforts of DPWH Regional Office X, District Engineering Offices such as Bukidnon 1st, Bukidnon 2nd, Lanao del Norte 1st, Lanao del Norte 2nd, and Misamis Occidental 1st, District Engineers’ League of the Philippines (DELP), Inc., and the Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) – Iligan Bay Lanao del Norte Chapter.”

“These offices were able to produce relief packs containing goods such as plastic pail, dipper, bath soap, detergent soap, shampoo, toothbrush and toothpaste, noodles, coffee, 5 kilos of rice, brown sugar, canned goods, water jug with water, clothes and underwear, bath towel, slippers, mosquito net, and portable solar light,” ayon sa DPWH Region 10 sa pinoste nitong report sa social media.

Sinabi ng DPWH Region 10 na naghanda sila ng 1,400 na piraso ng relief packs pero ang naipamahagi lamang nila ay 1,145 at ang sobra na relief packs ay ibinigay nila sa nasabing barangay government units para sila na ang mamahagi sa iba pang mga apektado. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Sipon, Ubo, Pananakit ng Lalamunan; Huwag balewalain!
Next post National Artist for Literature F. Sionil Jose dies at 97
%d bloggers like this: