POLICE REPORT PROVINCIAL

YouTube commentator pinatay sa Tacurong City

[NEWS FROM MINDANAO VOICE.]

COTABATO CITY (Jan.12, 2022, Radio Mindanao Network 90.9 Ifm) – Napatay sa pamamaril nitong umaga sa Tacurong City ang isang YouTube commentator na dating manager ng isang himpilan ng radyo doon.

Kinilala ang biktima na si Jaynards Angeles, kandidato sa pagka-konsehal sa bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat province.

Naganap ang insidente sa Brgy. New Carmen sa Tacurong City pasado 8:00 ng umaga ngayong Myerkules [Enero 12].

Lumalabas sa inisyal na impormasyon na pinapaayos nito, diumano, sa isang talyer ang kanyang sasakyan ng pagbabarilin ng mga salarin.

Tatlong putok ng baril ang narinig sa pinangyarihan ng insidente.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Naghain si Angeles ng kanyang kandidatura pagka konsehal sa bayan ng Lambayong, di kalayuan sa Tacurong City.

Ang napaslang na si Angeles ay nagsasagawa ng commentaries sa kanyang sariling YouTube channel na “Tinig ng Bayan” mula ng ito ay natigil na sa pagiging manager ng isang radio station sa Tacurong City. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “YouTube commentator pinatay sa Tacurong City

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: