BALITA NATIONAL

Batas na magbabago sa pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City, nilagdaan na ni Duterte

[Photo: Quezon Avenue to Roosevelt Avenue Quezon City]

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na magbabago sa kasalukuyang pangalan ng kahabaan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City sa pangalan ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. (FPJ).

Pinagtibay ni Duterte ang Republic Act 11608 nitong Disyembre 10 at inilabas naman ang ulat na ito ngayong Huwebes, Enero 13, na nakatakdang baguhin ang pangalan ng kahabaan ng Roosevelt Avenue bilang Fernando Poe Jr. (FPJ) Avenue.

Magiging epektibo ang bagong batas 15 araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa mga pangunahing pahayagan.

Ang 2.9-kilometer Roosevelt Avenue, na dumudugtong sa EDSA at Quezon Avenue kung saan ay batid na dito nanirahan si FPJ kung saan ginugol niya ang halos buong taon niyang pagkabata.

Ikinagalak naman ito ng anak na babae ni Poe na si Sen. Mary Grace Poe at ng kanilang buong pamilya.

Ronald Allan Poe sa tunay na buhay na nakilala bilang FPJ at “Da King” kung saan ay maaalala ang kanyang naging kontribusyon sa kasaysayan ng Philippine television and movie industry. Nakapaglabas ng mahigit 300 blockbuster na mga pelikula si Da King, ilan dito ay ang; “Ang Panday,” “Agila,” “Ang Probinsyano,” “Isang Bala Ka Lang,” “Ang Maestro,” “Sigaw ng Katarungan,” at “Kapag Puno Na Ang Salop.”

Matatandaan na namatay si Da King sa edad na 65 noong Disyembre 14, 2004 at kinilala bilang National Artist noong 2012.

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: