Entertainment Showbiz

Diego, Barbie hiwalay na nga ba?

[by Athena yap]

Umaalingawngaw ngayon sa social media ang usapan na posibleng hiwalay na ang celebrity couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Nag-umpisa ang alegasyon nang masangkot sila sa magkaka-ibang isyu. Kesyo si Diego ay bumisita sa rising star na si AJ Raval at may tsika rin na si Barbie umano ay bumisita kala Daniel Padilla.

Gayunpaman ay dinedma lang ng mga artistang nabanggit ang mga isyung iyan.

Ngunit ayon sa mga Marites ng social media, nakapagtataka raw na wala na silang update dalawa sa kani-kaniyang account tungkol sa relasyon nila na kung saan dati ay kapwa very active sila sa social media.

Sa programa naman ng beteranang entertainment news writer na si Cristy Fermin, nabanggit niya na naniniwala siyang 80% chance na split na ang nasabing celebrity couple dahil nga hindi na sila nagpo-post tungkol sa relasyon nila.

Isa pa sa mga hint na napansin ng mga Marites ay ang nakaraang caption ni Barbie sa IG na “but first, self care”.

After few days ay sinundan naman ng cryptic IG story ni Diego na “protect your heart like she protects her phone.”

Dahil diyan ay mas lalong nabuo ang hinuha ng mga netizen na maaring hiwalay na nga sina Diego at Barbie. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Diego, Barbie hiwalay na nga ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: