Editoryal TINIG Ni: Rex Molines

CANCELLATION OF CANDIDACY AT DISQUALIFICATION, ANO ANG PAGKAKAIBA?

Ikinagalak ng kampo ni Presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang naging desisyon ng Comelec sa kinahaharap ni Marcos na mga petisyon laban sa kanyang kandidatura kahapon, Enero 17, 2022.

Ang naturang petisyon ay para kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Bongbong.

Ayon sa Comelec, ang pinababalewala o pinapakansela ay ang kanyang [Marcos] candidacy at ang isa ay ang disqualification ng kanyang kandidato. Parang magkapareho lang di ba? Pero may pagkakaiba ito at kailangan ng mabusising pagtutok dito.

Sa isang panayam na nakalap mula sa SRO TeleRadyo kay Atty. George Erwin Garcia, Election Lawyer, Law Professor sa Lyceum of the Philippines University at dating lawyer ng Marcos noong 2016. Sinabi ni Garcia na ang, “Cancellation of candidacy o pinapa-deny in due course ay ang kanyang [Marcos Jr.] kandidatura ibigsabihin kung qualified ka ba o hindi, illegible ka ba o hindi. Ito ay isyu kung siya ba ay nagkaroon ng misrepresentation o ang tawag namin dito ay “material misrepresentation” sa deretsahang salita ay kung nagsinungaling ka ba sayong certificate of candidacy na nakalagay dun sa listahan ng mga dapat mong panumpaan sa COC.”

“So ito ang tinatawag na cancellation of candidacy. Ito ay pwede lamang i-file for 25 days pagkatapos ng pag-file mo ng coc mo,” ani Garcia.

“At yung disqualification, kumbaga sa basket ball, ikaw ‘yung player pero meron ka o nagkaroon ka ng foul at dahil nagkaroon ng foul so dun ka muna sa tabi. Inshort, player ka pa rin pero pinatabi ka muna ng referee. Ibigsabahin, kandidato ka pa rin. Nag-violate ka ng batas na maaring kasong kriminal. Halimbawa, vote buying o terrorism, ito yung pwedeng ikaso sayo na pwedeng ma-disqualify ka. Ito ay maaaring i-file mula sa pagfi-file ng kandidatura mo hanggang sa araw ng eleksyon,” dagdag pa ni Garcia.

“Ano ang difference? Kapag na-cancel ang kandidatura mo ay hindi ka pwedeng palitan bilang kandidato. Samantala sa disqualification, kung ma-disqualify ka at kahit kandidato ka at nakapag-violate ka o may nagawa kang violation ay pwede kang mapalitan ng isang kapartido pero after November 15 noong substitution na tinatawag ang pu-pwede lang na pumalit ay parehas na family name nung mismong na-disqualify.” saad pa ni Garcia.

“Kung ganito ang mangyayari, maaring manalo si Marcos Jr, at maaring idisqualify ang kanyang kandidatura at maaaring palitan siya ng elect-vice president bilang pangulo. Paglilinaw ni Atty. Garcia.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa rin ang paglabas ng desisyon ng COMELEC 1st division sa mga disqualification petitions laban kay Marcos Jr.

Dahil sa pangyayaring ito, marami ang nabahala sa naging desisyon ng Comelec sa pag-deny nito sa petsiyon na kanselahin ang isinampa ng mga petitioner laban kay Marcos kahit na mali-mali pa diumano ang mga inilagay nito sa kanyang COC. ANO ANG MASASABI MO SA ISYUNG ITO, KAMILENYO?

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: