PROVINCIAL PUBLIC WORKS & HIGHWAYS

DPWH naglatag ng two-storey multi-purpose building para sa mga katutubong–tribo sa Maasim, Sarangani

(by RB/PHOTO FROM DPWH REGION XII FB)

SARANGANI (Jan. 18, 2022) –– Ipinagmamalaki ngayon ng mga miyembro ng Indigenous People (IP) community sa bayan ng Maasim sa probinsya ng Sarangani ang nakatayong two–storey multi–purpose building na ipinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa kanila.

Ayon sa report ng DPWH Region XII na pinoste nito sa kanyang opisyal na Facebook account, ang gusali ay magsisilbing “tribal hall” at “training center” ng mga Indigenous People sa nasabing bayan.

“The 248.88 square meter Kesfala Hall will provide significant venue for IPs to exercise customary laws embedded in their culture and values, acceptable standard of behavior and continuous preservation of beliefs and traditions while actively enforce their laws to achieve peaceful and harmonious living in the community,” sabi ng nasabing ahensya.

Ayon sa DPWH Region XII, ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (or GAA).

Para naman sa mga Indigenous People sa Maasim, ang paglatag ng ganong proyekto para sa kanila ay isang kongkretong pagpapakita ng patuloy na suporta at pagrespeto ng gobyerno sa pagsusulong at pag–preserba ng kanilang mga paniniwala, mga tradisyon at mga kultura.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng Maasim sa nasabing inisyatibo ng DPWH–Sarangani District Engineering Office. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “DPWH naglatag ng two-storey multi-purpose building para sa mga katutubong–tribo sa Maasim, Sarangani

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: