Community News ESPESYAL PROVINCIAL

BUNGA NG PAPAYA, HUGIS KORONA

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE — “Walang halong mahika, Pagmasdan ang bunga ng papaya, Hindi bilog – hindi mahaba, Ni walang laman ang gitna, Hugis niya’y korteng korona.”

Agaw-pansin sa mga residente ang bunga ng papayang ito na may hugis korona.

Laking gulat ni Alicia Reyes Ragasajo, 67 taong gulang, residente ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite nang pitasin nya ang bunga ng kanilang papaya ay hugis korona ito. Malayo sa pangkaraniwang hugis ng papaya na nakikita sa merkado.

Nag-iisa lang ang bungang ito na hugis korona, habang ang ibang kasama nito ay korteng bilugan at pahaba.

“Ito ang unang bunga ng papayang itinanim namin, sobra kaming namangha sa bungang ito. Tila hindi pangkaraniwan. At animo’y may nagpaparamdam sa amin”, paglalahad ni Nanay Alicia.

Base sa pagsasalaysay ng pamilya Ragasajo, diumano ang bunga ng papayang hugis korona ay pagpaparamdam ng namayapa nilang kapamilya na si King Ragasajo. Na magdiriwang ng kanyang ika-43 kaarawan ngayong darating na Enero 22.

Ang korona ay ipinapatong sa ulo ng isang hari. Na umaakma naman sa pangalan ng namayapang si King at sa bunga ng papaya na hugis korona.

Pinaniniwalaan ng pamilya na bagamat namatay na si King ay patuloy pa rin silang binabantayan nito.

Si King Ragasajo ay solong anak na lalake ni Alicia Ragasajo.. Si King ay kilala rin sa kanyang barangay na isang magaling na Electronic Technician.

Sa kultura nating mga Pilipino, may kani-kaniya tayong pagpapahalaga at paniniwala. Anuman ang saloobin nila, ang mahalaga ay hindi tayo nakakalimot na alalahanin ang pamilyang namayapa na.

Habang ang puno ng papaya ay nanatiling hitik pa rin sa bunga ay patuloy na pinag-uusapan at pinagmamasdan kung muli itong mamumunga na may misteryo at kakaiba. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “BUNGA NG PAPAYA, HUGIS KORONA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: